Get Adobe Flash player
ICTHUS Song

Archive for June 25, 2018

God is Love

Fatherly Message to the Youth and Children of the Archdiocese of Lingayen Dagupan

My dear children of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan:

Through social media, you have been sadly exposed to the cursing, threats and shaming by the President of our country. Choose to love him nevertheless, but stay in the truth of our faith. Be firm in faith.

He must have received so much rejection and hurts in the past that he blurts out so much hatred and angst now. If he had been loved much, he would be giving so much of that love too. He could be a victim of his scarred past and his wounded background. Pray for him with compassion. We pray for his healing and for God’s forgiveness on him but we must rebuke his errors about our Christian faith. He is a person in authority and some of you might get confused when you hear him. To pray for him is not enough. We must serve you the truth as we pray for him.

I am writing this to defend you from the gross errors that you have been hearing. If I keep quiet you might be misled. God gave you to us, your priests in Lingayen Dagupan, as our children. It is our duty to teach you. Some of you might ignore me or even rebuke me; but that will not stop me from teaching those among you who sincerely ask for guidance. I cannot stop serving you the truth.

You have heard the President attack our Christian beliefs. The story of creation is being taunted repeatedly. You have been hearing him curse God. God has been called insulting names–words we always told you not to say or even write. You are even being challenged to leave this Church of your birth, the Church of your grandparents.

Here are some questions and the right answers from the YouCat (Young Catechism of the Catholic Church) and I encourage you to read it.

Why did God create us?

God created us out of love. God is love. God is mercy. Never forget or doubt that.

What is religion?

Religion is man’s natural longing for God. God has placed in our hearts a certain kind of restlessness that can only be cured if we rest in God.

What do we mean when we say “God created the world”?

It does not mean that God himself by His direct action created the world all at once, completed in six days, as if the Book of Genesis were an eye witness account. This error is called “creationism”. (YouCat 41)

Creationism naively interprets biblical data literally. This a wrong interpretation of the teaching “God created the world”.

The creation account is not a scientific model to explain how the world began. When we say God created the world, we mean God willed the world. It means the world is not a product of chance.

Each of us is a result of a thought of God, each of us is loved, each of us is necessary. (Pope Benedict XVI).

Does God want us to suffer and die?

God does not want us to suffer and die. Listen to what the saints say.

We have lost paradise but have received heaven; the gain is greater than the loss (Saint John Chrysostom).

Human weakness cannot upset the plans of God. A divine master builder can work even with falling stones (Cardinal Michael Von Faulhaber).

O God, to turn away from you is to fall. To turn to you is to stand up. To remain in you is to have sure support (Saint Augustine)

Is that not beautiful and wise of God to do? Only a beautiful and wise God can turn sin into a great blessing. The devil is opposed to this kind of love. The devil cannot understand or refuses to accept what is so clear. The devil is blinded by pride so he cannot love like God.

What is original sin?

Although sin implies guilt for which one is responsible, original sin is not like that.

Pope Benedict XVI explained it this way. Human beings were born with a drop of poisonous thinking of “not trusting God”. Human beings look at God as a “rival” who curtails our freedom. Human beings harbor a “suspicion against God”. Human beings think that we can be fully human if God is cast aside. Human beings trust deceit rather than truth. Because of this tendency, human beings sink to emptiness and death. That is what original sin is. Jesus came to lift us out of that emptiness and death.

What does “Church” mean?

The Church is all of us called forth by God. The Church is not just bishops and priests, deacons and nuns. The Church is people, the people called by God together. God wants to redeem us, not individually, but together. The Church continues what Jesus started.

Is the Church a sinful institution?

Viewed from outside, the Church is only a historical institution perhaps with historical achievements but also faults.  In its history, the Church had made mistakes and even crimes—a Church of sinners indeed.

But that view is quite shallow and incomplete.

Christ is so involved with us sinners that he never abandons his Church even if the Church betrays him every day.

The Church is an embroidery of sin and grace. In the Church, sinful humanity and holy godliness are one. The holiness of God never leaves the Church.

Is it time to stop believing in God?

Said Pope Benedict XVI, “When God disappears, men and women do not become greater. They lose their dignity and splendor and eventually end up abused and used”.

This is what our present national situation is showing us. When we cast God aside and curse his name, killing becomes easier. Stealing is normalized. Vulgarity becomes funny. Adultery is applauded. All because we want God to disappear in our lives.

What is the second Commandment?

You shall not take the name of the Lord your God in vain.

What does the second Commandment require?

It is a terrible offense to blaspheme God, to curse using God’s name. Places, things, names and people who have been touched by God are “holy”. Sensitivity to what is holy is called “reverence”.

“Reverence is the pole on which the world turns,” said Johann Wolfgang Van Goethe. We lose reverence for the sacred and we ruin the world.

What duties do citizens have toward the State?

A Christian must love his homeland. We must defend our nation in time of need, serve the institutions, pay taxes, vote and even run for office if needed. Every Christian has a right to offer constructive criticism of the State and its organs. The State is there for the people, not the individual for the State (YouCat 376)

When must we refuse to obey the State?

If a State should establish laws and procedures that are racist, sexist or destructive of human life, a Christian is obliged in conscience to refuse to obey, to refrain from participation and offer resistance. (YouCat 377).

Admonition

My dear children in the Archdiocese of Lingayen Dagupan, please pray the rosary, go to confession and receive Holy Communion frequently. We are in a spiritual warfare against error and sin. Shield yourselves from error and guide your fellow youth in godliness. Read more about the faith. Study the true teaching of the Church.

Harbor no grudge but be critical and discerning. Be respectful of your parents and those in authority and choose good manners all the time even if you hear and see the opposite. Do not bash back at those who bash you in social media. Fill social media with kindness and truth. Take courage but be loving all the time. Be firm in the faith. Bawal ang duwag pero huwag makipag-away. Conquer evil with good (Romans 12:21)

From the Cathedral of Saint John the Evangelist, Dagupan City, June 25, 2018 Memorial of Santo Domingo Henares, a missionary who served in Pangasinan and died a martyr in Vietnam.

+SOCRATES B. VILLEGAS

Archbishop of Lingayen Dagupan

—————–

DIYOS AY PAG-IBIG

Makaamang Pahatid sa mga Kabataan at Anak ng Arsidiosesis ng Lingayen Dagupan

Minamahal kong mga anak ng Diyos Arsidiosesis ng Lingayen Dagupan:

Sa social media, nakalulungkot na nalantad kayo sa pagmumura, pagbabanta at panghihiya ng Pangulo ng ating bansa. Piliin ninyong mahalin pa rin siya, ngunit manatili sa katotohanan ng ating pananampalataya. Magpakatatag kayo sa pananampalataya.

Marahil ay nakatanggap siya ng labis-labis na pagtanggi at sakit sa nakaraan, kayat nagsasabog siya ngayon ng labis na poot at ngitngit. Kung sana’y busog siya sa pagmamahal, makapag-aalay din sana siya ng pagmamahal. Baka biktima siya ng may pilat na nakaraan at sugatang pinanggalingan.

Ipagdasal natin siyang may malasakit. Ipanalangin natin ang kanyang paggaling at ang pagpapatawad ng Diyos, subalit dapat pa rin natin ituwid  ang kanyang mga kamalian tungkol sa ating pananampalatayang Kristiyano. Isang tao siyang may kapangyarihan at baka may ilan sa inyo ang malito kapag siya’y naririnig ninyo. Hindi sapat ang ipagdasal siya. Dapat nating ialay ang katotohanan kasabay ng pananalangin para sa kanya.

Isinusulat ko ito upang ipagtanggol kayo laban sa mabigat na kamalian na inyong naririnig. Kung tatahimik lang ako, baka kayo ay malinlang. Ipinagkaloob kayo ng Diyos sa amin, kaming inyong kaparian sa Lingayen Dagupan, bilang aming mga anak. Tungkulin naming magturo sa inyo. Maaaring may ilan sa inyo na hindi ako papansinin o kaya’y sawayin ako; ngunit hindi niyan ako mapatitigil na turuan ang mga tapat na naghahanap ng paggabay. Hindi ako maaaring huminto sa pag-aalay sa inyo ng katotohanan.

Narinig naman ninyo kung paanong tinuligsa na Pangulo ang ating mga Kristiyanong paniniwala. Paulit-ulit na pinagtatawanan ang salaysay ng paglikha. Narinig din ninyo na sinusumpa niya ang Diyos. Tinawag ang Diyos sa kung anu-anong nakaiinsultong pangalan—mga salitang sinasabi naming huwag ninyong sasambitin o kahit pa nga isusulat. Hinahamon pa kayo na tumiwalag sa Simbahan na inyong kiagisnan, ang Simbahan ng inyong mga lolo at lola.

Narito ang ilang tanong at tamang sagot mula sa YouCat (Young Catechism of the Catholic Church) at hinikayat ko kayong basahin ito.

Bakit tayo nilikha ng Diyos?

Nilikha tayo ng Diyos mula sa pag-ibig. Diyos ay pag-ibig. Huwag na huwag ninyo itong pagduduhan.

Ano ang relihiyon?

Ang relihiyon ay ang likas na paghahanap ng tao sa Diyos. Inilagay ng Diyos sa ating kalooban ang isang uri ng kawalang-kapanatagan na matutugunan lamang kapag nanahan tayo sa Diyos.

Ano ang ibig nating sabihin kapag sinasabi nating “Nilikha ng Diyos ang daigdig?”

Hindi nangangahulugan na mismong ang Diyos ang tuwirang nilikha ang buong mundo ng sabay-sabay, at nabuo na sa anim na araw, na para bagang nag Aklat ng Genesis ay isang kuwento ng pagsaksi. “Creationism” ang tawag sa kamalian ito. (YouCat 41)

Napakaliteral ng interpretasyon ng “creationism” sa Biblia. Mali ang ganitong pag-unawa sa turo na “Nilikha ng Diyos ang daigdig.”

Ang salaysay ng paglikha ay hindi isang siyentipikong modelo upang ipaliwanag kung paano nagsimula ang mundo. Kapag sinasabi nating  Nilikha ng Diyos ang daigdig, sinasabi nating niloob ng Diyos ang mundo. Nangangahulugan na ang daigdig ay hindi lang basta lumitaw.

Bawat isa sa atin ay bunga ng diwa ng Diyos, bawat isa ay minamahal, bawat isa ay kailangan. (Papa Benedicto XVI)

Nais ba ng Diyos na tayo’y magdusa at mamatay?

Hindi gusto ng Diyos ng tayo’y magdusa at mamatay. Pakinggan ang sinasabi ng mga banal.

Nawala sa atin ang Paraiso, ngunit tinanggap natin ay langit; ang gantimpala ay higit sa nawala. (San Juan Crisostomo)

Hindi nasisira ng kahinaan ng tao ang mga balak ng Diyos. Nakakapagtrabaho ang maestro karpintero kahit sa nahuhulog na mga bato. (Cardinal Michael Von Faulhaber)

O Diyos, pagbagsak ang tumalikod sa iyo. Pagtindig ang pagbaling sa iyo. Tiyak nap ag-alalay ang manataili sa iyo (San Agustin)

Hindi ba tanda ito ng kagandahan at karunungan ng Diyos? Tanging ang maganda at magaling na Diyos ang may kakayahang gawing dakilang biyaya ang pagkakasala. Ayaw ng demonyo ang ganitong uri ng pag-ibig. Hindi maunawaan o ayaw tanggapin ng demonyo ang napakalinaw. Nabubulagan ng kapalaluan ang demonyo kaya hindi siya makapagmahal tulad ng Diyos.

Ano ang kasalanang orihinal?

Bagamat ipinahihiwatig ng kasalanan ang pananagutan tao sa kanyang nagawa, hindi ganyan ang kasalanang orihinal.

Ganito ang paliwanag ni Papa Benedicto XVI. Isinilang ang tao na may patak ng nakalalasong pag-iisip ng “di pagtitiwala sa Diyos”. Ang tingin ng tao sa Diyos ay bilang “karibal” o “kalaban” na sumisikil sa ating kalayaan. May dalang “pagduda sa Diyos” ang tao. Inaakala ng tao na magiging ganap na tao tayo kung isasantabi natin ang Diyos. Nagtitiwala pa ang tao sa daya kaysa katotohanan. Dahil sa ganitong hilig, nahuhulog ang tao sa kahungkagan at kamatayan. Ganyan ang kasalanang orihinal. Dumating si Jesus upang iahon tayo sa Ganyang kahungkagan at kamatayan.

Ano ang kahulugan ng “Simbahan”?

Ang Simbahan ay tayong lahat na tinawag ng Diyos. Ang Simbahan ay hindi lang mga Obispo at pari, diakono at madre. Ang Simbahan ay sambayanan, ang mga taong sama-samang tinawag ng Diyos. Nais ng Diyos na iligtas tayo, hindi bilang indibiduwal, kundi bilang magkakasama. Itinutuloy ng Simbahan ang sinimulan ni Jesus.

Makasalanang institusyon ba ang Simbahan?

Kung tingnan sa labas, ang Simbahan ay isa lamang institusyon lumitaw sa kasaysayan, masasabing may mga kagitingan at mga kahinaan. Sa kasaysayan nito, marami siyang nagawang kamalian–at krimen pa nga—totoong Simbahan ng mga makasalanan.

Ngunit ang ganyang pananaw ay mababaw at kulang.

Sangkot na sangkot si Kristo sa ating mga makasalanan, kayat hindi niya pinababayaan ang kanyang Simbahan, kahit ipinagkakanulo siya nito araw-araw.

Ang Simbahan ay isang burda ng sala at biyaya. Sa Simbahan, ang makasalanang pagkatao at banal na pagkadiyos ay iisa. Hindi iniiwan ng kabanalan ng Diyos ang Simbahan.

Panahon na bang huminto sa paniniwala sa Diyos?

Sabi ni Papa Benedicto XVI, “Kapag naglalaho ang Diyos, hindi bumubuti ang mga tao. Nawawala ang kanilang dangal at kaluwalhatian at sa bandang huli ay naaabuso at nagagamit.”

Ito ang ipinakikita ngayon ng pambansang kalagayan. Kapag binabale-wala natin ang Diyos at minumura ang kanyang ngalan, mas madali na ang pagpatay. Naging normal na ang magnakaw. Tinatawanan ang kabastusan. Pinapalakpakan ang pangangalunya. Dahil gusto lang nating maalis ang Diyos sa ating buhay.

Ano ang ikalawang utos?

Huwag mong lapastangin ang pangalan ng Panginoon mong Diyos.

Ano ang hinihingi ng ikalawang utos?

Napakalaking kasalanan ang lapastanganin ang Diyos, ang magmura na gamit ang ngalan ng Diyos. Ang mga pook, bagay, ngalan at tao na nadantayan ng Diyos ay “banal”. Ang pagiging “sensitibo” sa banal ay tinatawag na “pitagan”.

“Pitagan ang haliging iniikutang ng daigdig,” ani  Johann Wolfgang Van Goethe. Kapag tinatabig natin ang pitagan sa banal, sinisira natin ang sandaigdigan.

Ano ang tungkulin ng mga mamamayan sa Estado?

Dapat mahalin ng Kristiyano ang kanyang bayan. Dapat nating ipagtanggol ang ating bansa sa panahon ng pangangailangan, paglingkuran ang mga institusyon nito, magbayad ng buwis, bumoto at kung kailangan ay tumakbo para sa posisyon sa gobierno. Bawat Kristiyano ay may karapatan na magbigay ng konstruktibong puna sa Estado at sa mga galamay nito. Ang Estado ay nariyan para sa tao, hindi ang indibiduwal para sa Estado (YouCat 376).

Kailan tayo dapat sumuway sa Estado?

Kapag ang Estado ay nagtatakda ng mga batas at patakaran na racista, sexista o mapanira sa buhay ng tao, ang isang Kristiyano ay inuudyukan ng budhi na sumuway sa Estado, tumangging makilahok, at magpahayag ng pagtutol.

Panawagan at Paalala

Minamahal kong mga anak sa Arsidiosesis ng Lingayen Dagupan, magdasal tayo ng rosaryo, magkumpisal at madalas na tumanggap ng Banal na Pakinabang. Nasa digmaan tayo ngayon laban sa kamalian at kasalanan. Protektahan ninyo ang inyong sarili laban sa mali at gabayan ang inyong kapwa kabataan tungo sa kabanalan. Magbasa pa tungkol sa pananampalataya. Pag-aralan ang tunay na turo ng Simbahan.

Huwag magtanim ng galit, ngunit maging mapanuri at mapangilatis. Maging magalang sa inyong mga magulang at sa mga may katungkulan at piliin ang mabuting asal sa lahat ng sandali, kahit kabaligtaran ang inyong naririnig at nakikita. Lakasan ninyo ang inyong loob, ngunit manatiling mapagmahal sa lahat ng oras. Maging matatag sa pananampalataya. Bawal ang duwag, ngunit huwag makipag-away. Gapiin ang kasamaan sa pamamagitan ng kabutihan (Roma 12:21)

Mula sa Katedral ni San Juan Ebangelista, Lungsod ng Dagupan, Junio 25, 2018. Banal na Kapistahan ni Santo Domingo Henares, isang misyonerong naglingkod sa Pangasinan at namatay bilang martir sa Vietnam.

————

 

 

wordpress statistics