Get Adobe Flash player
ICTHUS Song

News and Events

Easter Message of Archbishop Soc: “Die with Me and Live Forever!”

DIE WITH ME AND LIVE FOREVER!

Easter Message of Archbishop Socrates B. Villegas on April 16, 2017 delivered at Saint John Cathedral Dagupan City

As I looked at our churches and chapels filled with devoted people during Holy Week, I asked myself “How many more of such Katoliko sarado and faithful parishioners do we really have now?”

How many of our Catholic countrymen fully believe in the Catholic teachings and live by the same Catholic moral principles? How many of our Catholics openly and blatantly declare “I am a Catholic but I agree that drug addicts must be killed; they are useless. I am a Catholic but I am pro death penalty. I am a Catholic but I favor gay marriages. I am a Catholic but I do not always obey my bishop who is too old fashioned. I am a priest but my bishop’s circulars are optional for obedience. I am a Catholic congressman but I when I vote on bills, the budget allocation for my projects are primary not my conscience. I am a Catholic but I do not mind if the Pope is called son of a prostitute. I am a Catholic and I bash the CBCP on social media. I am a Catholic but I share fake news. I am a Catholic but I am not against corruption in government as long as they help the poor.”

I am a Catholic but I disagree when bishops talk about social issues and ecology concerns. The Church should not interfere in politics. There is separation of Church and State after all. Give to Ceasar what is Ceasar’s and to God what is God’s. I am a Catholic but…I am a Catholic but…”

In Syria and Nigeria, in Egypt and Lebanon, in China and Myanmar, Christians suffer for the faith, endure persecution and embrace their fate of martyrdom until now.  They endure the traditional way of blood shedding by torture or by solitary isolation or by the bullet. Their tormentors do not share their beliefs. They live in a society that is angry at God and suspicious of churchmen.

In the Philippines we declare we are Christians. We are Catholics. The baptismal certificate is presented before weddings. We have fiestas and processions. We have Catholic schools and we make pilgrimages. We have priests at funerals and we go to Manaoag.

In the Philippines, we are Catholics. We do not kill bishops and priests in the Philippines. We bash bishops. We allow our idols to curse the Pope. We make fake news about one another. We remain safely anonymous in hidden Facebook and Twitter accounts. We earn our living by working as social media trolls. This is better than drugs and stealing, isn’t it?

We bishops have become martyrs in social media. We are killed a thousand times; our trolls are in the thousands. When we speak they want us muted. When we oppose they want us maimed. When we stand for life, they want us dead.

What has happened to us?

Some of my friends from other countries say they are worried about the government of the Philippines. I answered them I am not worried about government. I am more worried about my countrymen. How have we a Catholic nation become like this as a people?

We have become uncaring for one another. We are proud to be critical without rhyme or reason. We walk not forward but backwards becoming day by day an angry society.  I thank God that my parents did not live long enough to see these days when their bishop son is ridiculed and rebuked and his priests are ignored and suspected. Churchmen are called the worst hypocrites and if my mother heard such, I am sure she would cry in pain. Our parishioners seek the security of silence with no one willing to defend Christ’s anointed ones. “For if they do these things when the tree is green, what will happen when it is dry?” (Luke 23:31)

Am I hurt? Yes. Am I angry? No. Am I aware of the calumnies they hurl against me? Yes and I read all of them. Shall I give up? No. How do I feel? Fully at peace!

Pope Benedict XVI told us bishops “Readiness to suffer belongs to the bishop’s job description. Precisely in this way the bishop is in communion with His Master. Precisely in this way, he knows himself to be a servant of joy.”

The Book of Sirach advises us, Stand up for what is right, even it costs your life; the Lord God will be fighting on your side (4:28)

We are indeed entering a new chapter in our history as a Catholic nation when it is so fashionable to make churchmen the punching bag of public officials to the glee of our own parishioners. We are humiliated and despised. We are calumniated as having many wives and the accuser is immune from legal suit. Bishops and priests are wronged and no one dares to set things right.

The Church is ridiculed and her churchmen are rebuked. Christ’s teachings are relentlessly challenged. Human life is cheaper than a gun. God’s mercy is disdained and scorned.

Like Saint Paul, “We are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed.  We always carry around in our body the death of Jesus, so that the life of Jesus may also be revealed in our body. (2 Cor 4:8-10)

If the fashion of rebuffing Church morals and doctrine does not cease, we will see less and less priests and bishops reaching old age and more and more priests and bishops dying as martyrs at the prime of their lives if not in this generation maybe, maybe in the next. Pray I am wrong.

If this should happen: Stand up and take courage. Go to jail for the sake of the Gospel. Be ready to be killed for the sake of our faith. The Church will not die when Christ’s believers are killed. The Catholic faith will bloom, grow and glow. What we cannot do in life as Catholics, we will be able to do when they kill us and make us martyrs. First they will kill our name. Then they will destroy our beliefs. Then they will kill our body. But no one can stop our hearts from beating only for God.

Another patriot in our midst challenged us:

“We should not wait until the ‘sea of ethics’ runs dry, nor should we allow the navy captain to altogether dismantle the ‘lighthouse’ that gets in his way.”

The Church is under persecution. The signs are clear. The teachings of God on life and family are under attack. Do not let evil intimidate you. Do not let their threats silence the priests and bishops. This is not the time for cowards. This is the ripe season for martyrs. This is a moment of glory.

As the Lord told his disciples in the Garden of Olives, “Are you still sleeping and taking your rest? Behold, the hour is at hand when the Son of Man is to be handed over to sinners. Get up, let us go. Look, my betrayer is at hand.” (Mt. 26:45-46)

I close this Easter meditation with the immortal lines of the Man from La Mancha:

I know if I’ll only be true To this glorious quest That my heart will lie peaceful and calm When I’m laid to my rest

And the world will be better for this That one man, scorned and covered with scars Still strove with his last ounce of courage To reach the unreachable star!

If you die with Christ, you will live forever. Do not be afraid. Christ has conquered death….! Alleluia He is risen!

Walk for Life 2017

Message of Archbishop Socrates B Villegas

February 18, 2017, 430am

Salamat sa Council of the Laity ng Pilipinas na siyang nanawagan para sa Walk for Life. Kaming mga pari at obispo ay kasama ninyong laykong lingkod sa bawat hakbang. Hindi kami mauuna baka hindi kayo makasunod. Hindi kami maglalakad sa likod baka maiwanan ninyo kami. Maglalakad kaming ng mga obispo at pari katabi ninyo. Kaagapay. Kaibigan. Kasama sa paglalakad. Sa Luneta pantay pantay tayo. Sabay sabay.

Narito tayo para sa Walk for Life alang alang sa mga hindi na makalakad dahil sa kasalanan natin sa kanila. Hindi sila makalakad dahil pinatay at tayo ay natakot makisangkot. Hindi sila makalakad dahil natatakot na baka sila ang isunod na barilin. Hindi makalakad dahil lulong sa droga. Hindi makalakad na pinatay ng mga addict nabulagan ng isip. Hindi makalakad dahil sa ating mga kasalanan dahil sa buhay.

Ang Walk for Life ay para sa kanila. Lalakad tayo at tatayo para sa kanila.

Ang Walk for Life ay hindi para ipagtanggol ang drug addict o ang mga mamamatay tao. Ang kriminal ay dapat arestuhin, kasuhan, hatulan at ikulong upang iwasto ang pagkakamali. Dapat patunayan ang pagkakasala sa korte ng batas hindi sa batas ng bala.

Ang Walk for Life ay hindi protesta kundi paninindigan para sa kabanalan ng buhay ng bawat tao na galing sa Diyos. Ang Walk for Life ay Walk for God.

Bakit madaling araw? Sapagkat sa mga oras na ito natin natutuklasan ang bangkay sa bangketa o malapit sa basurahan. Ang madaling araw na sana ay oras ng bagong simula ay nagiging oras ng luha at takot dahil sa mga pinatay sa magdamag.

Sa mga ganitong oras noong Disyembre 30, 1896 nagsimula maglakad si Dr Jose Rizal simula Fort Santiago patungong Luneta para bitayin ng firing squad.  Ang parusang bitay ay saliwa sa kabanalan ng buhay ng tao. Sa halip na bitay, linisin natin ang kapulisan, ayusin ang husgado at higpitan palakad sa bilangguan. No to death penalty. Yes to the reform of the criminal justice. Nananawgan po kami sa Congress na hayaang bumoto ang Kongresista ayon sa konsensiya. Ang partido politika ay pansamantala. Ang konsensiya ang tinig ng Diyos na nakatanim sa ating kalooban. Igalang ang konsensiya.

Marami pa pong kasalanan sa buhay na dapat natin labanan. ABCDE…

Abortion ay kasalanan sa buhay ng sanggol. Ang sanggol ay taong anak natin. Ang mahinang sanggol ay biyaya ng Diyos. Ang bawat sanggol ipagtanggol! Kapag hindi natin nilabanan ang aborsyon, aabot tayo sa pagpatay sa mga yagit ng lipunan. Ang taong yagit sa tingin ng iba ay taong iniligtas at mahal ng Diyos. Mahal ng Diyos ang mga mahihina at mistulang yagit. Kapatid natin sila.

Blasphemy ay paglapastangan sa ngalan ng Diyos. Kung ang Diyos ay hindi na ginagalang susunod na hindi igagalang ang mga nilikha ng Diyos. Ang lahat ng kasalanan sa Diyos ay nagsisimula sa blasphemy o pagyurak sa karangalan ng Diyos. Kapag lapastangan sa Diyos, sigurado lapastangan din sa Inang Kalikasan, lapastangan sa magulang, lapastangan sa kapwa, lapastangan sa buhay.

Corruption ay nakakamatay ng tao. Ang corruption ay pagnanakaw lalo na sa mga mahihirap. Perang dapat ipampagamot, perang pambili ng bigas, perang pamasahe sa bus, perang pantapal sa bubong na tumutulo, kinukupit ng mandarambong! Ang luha ng mahihirap na pinagnanakawan ng corrupt ay alam ng Diyos. Hindi kayo pwedeng magnakaw habampanahon. Alam ng Diyos ang lahat.

Droga ay laban sa buhay. Pinapatay ng droga ang taong gumagamit pati na ang mga inosenteng biktima nila. Rape dahil sa droga. Nakaw dahil sa droga. Patayan dahil sa droga. Marami ng buhay na winasak ang droga. Ang Walk for Life ay kontra droga. Ang Walk for Life ay hindi pagtatanggol sa drug addict at drug pusher. Masama ang droga. Nakakamatay ang droga.

Execution ay pagpatay. Dating tawag ay bitay, naging salvaging, naging summary execution, naging EJK. Ang pagpatay, ito naman ay gawin ng kriminal o kaya ay ipataw ng gobyerno bilang death penalty, pagpatay pa rin yan. We cannot teach that killing is wrong by killing those who kill. It also increases the number of killers.

Malapit ng sumikat ang araw. May pag asa tayo. Huwag matakot sa dilim. Huwag mamuhay sa takot. Kumakalat ang takot at pananakot. Tinatakot tayong papatayin. Tinatakot tayo at nagpapatakot tayo. Walang mananakot kung hindi tayo magpapatakot.

Harapin natin ang nananakot at ipakita natin ang ating lakas ng loob. Humarap tayo sa nagbabanta at ipakita na kasama natin ang Diyos na ating lakas. Hindi nila tayo maaaring takutin dahil mas malakas ang tiwala natin sa Diyos.

Bayang may tiwala sa Diyos. Huwag matakot. Lakad na para sa BUHAY! Walk for Life!​

 

Circular 2017-6: Lay Members of the Archdiocesan Synod

February 14, 2017

Memorial of Saints Cyril and Methodius

Circular 2017-6

RE: Lay Members of the Archdiocesan Synod

Reverend Parish Priests, Chaplains and Directors of Pastoral Stations:

In our earnest desire to make the forthcoming Second Synod of Lingayen Dagupan pastorally meaningful, we have now reached a point when we have to name the lay members of the synod.

It is meritorious to be reminded of these pertinent canons in the Code of Canon Law:

Canon 460. A diocesan synod is a group of selected priests and other members of the Christian faithful of a particular church who offer assistance to the diocesan bishop for the good of the whole diocesan community.

Canon 463 #1 and #5. Lay members of the Christian faithful must be called to the diocesan synod as members and are obliged to participate in it in a manner to be determined by the diocesan bishop.

The sole authority to issue summons to the synod rests on the archbishop. In the spirit ofcommunio, I now invite the Reverend Parish Priests, Chaplains and Directors of Pastoral Stations to nominate one lay member of the synod:

1.1.       From the Vicariate of Saints Peter and Paul, one lay representative per parish or pastoral station between 18 to 25 years old;

1.2.       From the Vicariate of the Epiphany, one lay representative per parish or pastoral station between 26 to 35 years old;

1.3.       From the Vicariate of Saint Thomas Aquinas, one lay representative per parish or pastoral station between 36 to 45 years old;

1.4.       From the Vicariate of Saint Dominic, one representative per parish or pastoral station between 46 to 55 years old;

1.5.       From the Vicariate of Saint Vincent, one representative per parish or pastoral station between 56 to 65 years old.

In the choice of the parish nominee, the parish priest must consider the person’s good standing in the parish community and the person’s availability to participate fully both in the pre-synodal meetings and the celebration of the synod itself from September 2 to 9, 2017.

The parish priest must make a written nomination of the parish representative to the undersigned indicating the age and attesting to the good standing in the parish community before March 31, 2017.

Please advise the parish nominee for the synod to be present at the Chrism Mass on Holy Thursday at the Cathedral of Saint John the Evangelist during which the summons will be properly issued.

The choice of the parish nominee for the synod carries great pastoral value. Please be prudent in making the nomination keeping in mind only the good of the Church. Thank you even now for acting on this directive.

Sincerely yours,

+SOCRATES B. VILLEGAS

Archbishop of Lingayen Dagupan

MAY IBANG SAGOT LABAN SA KASAMAAN!

Message delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Rally for Life on December 12, 2016 in San Carlos City, Pangasinan.

Narito tayo upang manalangin. Ipinagdarasal natin ang Pilipinas. Tungkulin ng mabuting Katoliko na makibahagi sa pagpapaunlad ng bayan. Tungkulin ng mabubuting Katoliko na makiisa sa pagsugpo sa kriminalidad. Ang mabubuting Katoliko ay makabayan.

Ang mabubuting Katoliko ay laban sa droga. Ang mabubuting Katoliko ay laban sa panggagahasa sa kababaihan at musmos. Ang mabubuting Katoliko ay laban sa patayan. Ang mabuting Katoliko ay laban sa kidnapping at carnapping. Ang mabuting Katoliko ay laban sa pagnanakaw at pandarambong. Ang mabuting Katoliko ay laban sa smuggling at corruption.

Laban ang pamahalaan sa malalang krimen. Kasangga ng pamahalaan ang lahat ng mabubuting Katoliko. Kasalanan sa Diyos ang makibahagi sa drug abuse at drug push. Kasalanan sa Diyos ang rape at murder. Kasalanan ang maki bahagi sa estafa at plunder.

Kasama ng pamahalaan ang mabubuting Katoliko sa pagsisikap na huwag ng maka ulit sa masasamang gawain ang mga kriminal. Hindi dapat maulit ang masamang gawain. Kaisa tayo sa magandang layunin. Sugpuin ang kriminalidad.

Dapat bigyan ng katarungan ang mga naapi at nasaktan dahil sa krimen. Ito ang ibig sabihin ng makatarungang lipunan. Hindi dapat makalusot ang kriminal. Hindi dapat hayaang magkunwaring maysakit ang mga mayayamang kriminal at sa ospital na lamang ikulong daw! Kapag mayaman, rehab. Kapag mahirap, barilin. Kapag mayaman, Saint Lukes Hospital. Kapag mahirap, sa siksikang kulungan.

Ang gusto ng ilang Pilipino ay ibalik ang bitay para huwag nang umulit at huwag pamarisan. Ibigti, isilya elektrika o iniksiyunan ng lason ang mga kriminal.

Sino ang mag uutos? Ang hukuman. Sino ang hukuman? Tao. May tao bang hindi nagkakamali? Pwede bang magkamali ang hukuman? Katulad ng lahat ng tao, pwedeng magkamali. Paano kung matapos mabitay ay nakitang iba pala ang may kasalanan? Sorry na lang? Gayun ba? Ay mali? Maibabalik ba ang buhay ng nagpakamalang mabitay? Maibabalik ba ang buhay ng binaril na mistaken identity?

Magkaisa tayo laban sa droga at terorismo. Magkaisa tayo laban sa plunder at corruption. Magkaisa tayo laban sa child rapist at mamamatay tao! Paano?

ISAAYOS ANG CRIMINAL JUSTICE SYSTEM!

Ang criminal justice system ay may tatlong paa—law enforcement, courts at correction. Alagad ng batas, hukuman at kulungan. Kapag malinis at marangal ang criminal justice system, gaganda ang Pilipinas, aayos ang Pilipinas, uunlad ang bayan.

Kung may death penalty nga, subalit ang pulis pwedeng suhulan, yong mayayamang pwedeng magbayad, lusot agad.

Kung may death penalty nga, subalit ang fiscal ay pwedeng bayaran, yong walang pambayad lamang ang makakasuhan.

Kung may death penalty nga, subalit ang abugadong mahusay, mataas ang bayad, mahihirap lamang ang guilty sa hukuman.

Kung may death penalty nga, subalit ang judge pwedeng regaluhan, absulwelto agad ang highest bidder.

Kung may death penalty nga at nakulong, subalit sa loob ng bilibid ay pwedeng magtayo ng sariling suite at mag videoke at magsugal at mag drugs, anong kwenta ng bilibid na mas maganda pa kaysa sa 5star hotel?

Kung may death penalty nga subalit ang criminal justice system ay corrupt, mabagal at may kinikiligan at nakasilip kahit nakapiring ang mata, lalakas pa rin ang loob ng rapist at plunderer, ng pusher at killer. Tuloy ang ligaya,

Kung mahuli ka, makiusap ka. Kung ayaw sa pakiusap, bayaran mo. Kung ayaw pabayad, barilin mo. Kapag nabaril na, lagyan mo ng baril sa kamay ng bangkay at ireport—nanlaban.

Matatakot ang kriminal hindi dahil sa bitay. Matatakot sila kahit habambuhay na pagkakulong lang ang parusa kapag alam nila—walang pulis, walang judge, walang warden na pwedeng pakiusapan at bayaran. Mayroong ganoon. Dapat lahat ganoon.

Kapag ang criminal justice system ay mabagal, malabo at mahina, ang bitay ay para lamang sa kulang ang bayad sa pulis at sa judge at sa warden.

Walang ipanganak na kriminal. Walang isinilang na drug pusher agad at rapist agad. Walang ipinanganak na corrupt agad.

Kapag ang pamilya ay paaralan ng kabutihan, hindi lalaking kriminal ang bata. Kapag ang magulang ay may Diyos, ang mga anak ay magiging makadiyos din at hindi lilihis sa maling daan.

Kapag may magagandang trabaho at iginagalang ang karapatan ng manggagawa, gaganda ang Pilipinas.

Linisin ang kapulisan! Ayusin ang lahat ng hukuman! Higpitan ang bilibid at kulungan. Gawaing tamad ang patayin na lang ang suspect. Gawaing tamad ang bitayin na lang ang nagkamali sa halip na tulungang makapag bago.

Turuan ang mga anak at kabataan ng mabuting asal. Schools need education not condoms.

Trabahong marangal, hindi bitay ang kailangan!

We are against crime! We are against drugs and rape and plunder! We are against smuggling and kidnapping and terrorism! We are against social disorder. Hindi tayo kunsintidor sa mali. Hindi natin ipinagwawalang bahala ang kirot ng mga biktima ng krimen.

We are not protesting without a solution. We are protesting with an alternative.  Reform the criminal justice system.

The solution is not killing criminals! Our alternative is FULLNESS of LIFE for the guilty and the innocent. Fullness of life for the poor and the rich. Fullness of life for sinners and saints. Christ died for the criminals and the victims. The love of God is for all. Our love should be like God’s love. For ALL.

Amen.

Pahatid ng Arsobispo Socrates B. Villegas sa bayan ng Diyos sa Lingayen Dagupan tungkol sa rally sa Nobyembre 30, 2016

Pahatid ng Arsobispo Socrates B Villegas sa bayan ng Diyos sa Lingayen Dagupan tungkol sa rally sa Nobyembre 30, 2016

Maraming mga sinimulang pagkilos ng ating mga kababayan ang nagaganap sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagiging sariwa na naman ang alaala ng sugat ng martial law na akala natin ay nakalimutan na. Ang mga kabataang akala ng marami ay walang pakialam, ngayon ay nagkakaisa sa paghahayag ng makabayang damdamin. Maraming nawala, namatay, nasugatan at napinsala dahil sa martial law. Ang karangalan ng kanilang pagpapakasakit ay dapat na alalahanin.

Ang pagmamahal sa bayan ay isang mukha ng pananampalataya sa Diyos. Sa anumang rally o symposium o protestang gagawin, palaging tandaan na ang paninindigan ay dapat na mula sa pagmamalasakit at hindi higanti. Ang ating pag-usapan ay mga isyu at prinsipyo at iwasan ang pagmumura at paghamak sa kapwa taong iba ang pananaw sa atin. Ang hinahanap ay katotohanan—katotohanang may pagmamahal. Huwag tayong magsiraan.

Nananawagan ako sa mga magulang na ikuwento sa mga kabataan ang buong kasaysayan ng diktadurya at huwag pabanguhin ang pangit o pagandahin ang kamalian. Ang paglimot sa mga namatay sa martial law ay paglibak sa kanilang kabayanihan.

Higit sa lahat, manalangin tayo upang malutas natin ang patung patong suliranin ng bayan sa lalong madaling panahon sa pamamaraang mapayapa, mababang loob at may paghihilom.

Kung sa inyong paninindigan, ang makisali sa mga rally ay kinakailangan at sa tingin ninyo ay bahagi ng ating tungkuling Kristiyano, kayo ay malugod kong hinihimok na dumalo dala ang aking basbas.

Patunugin natin ang mga kampana ng simbahan sa Archdiocese of Lingayen Dagupan sa ika tatlumpu ng Nobyembre hanggang ikalawa ng Disyembre tuwing ikaanim ng gabi sa loob ng limang minuto. Dasalin ang Angelus at ipagdasal ang bayan natin.

Ang alaala ay biyaya ng Diyos. Ang alaala ay guro sa kasalukuyan. Ang alaala ay haligi ng kinabukasan.

Huwag lumimot. Manindigan. Makisangkot. Huwag pabayaang mawalang muli ang kalayaan!

 

wordpress statistics