Get Adobe Flash player

Circular 2017-2: Archdiocesan Synod

January 3, 2017

Most Holy Name of Jesus Memorial

Circular 2017-2

RE: Archdiocesan Synod

My dear people of God:

In eager anticipation of our Synod due to be held in the Archdiocese of Lingayen Dagupan fromSeptember 2 to 9, 2017, we must prepare the survey questionnaires to help us better appreciate the socio-pastoral situation in our Church.

We shall have a meeting on January 13, second Friday, starting promptly at 8:00am until 12:00 noon at the Lay Formation Center, Bonuan Gueset, Dagupan City.  The following are expected to be at the meeting during which we will validate the survey questionnaire:

1.    All the diocesan and religious priests who exercise priestly ministry in the Archdiocese;

2.   All local superiors of religious congregations of women (ARMWALD);

3.   One lay representative per parish:

  • From the Vicariate of Saints Peter and Paul, one lay representative per parish between 18 to 25 years old;
  • From the Vicariate of the Epiphany, one lay representative per parish between 26 to 35 years old;
  • From the Vicariate of Saint Thomas Aquinas, one lay representative per parish between 36 to 45 years old;
  • From the Vicariate of Saint Dominic, one representative per parish between 46 to 55 years old;
  • From the Vicariate of Saint Vincent, one representative per parish between 56 to 65 years old.

I request you to diligently and prayerfully choose the lay parish representative keeping in mind only the good of the Church. They must be morally and intellectually equipped to handle the duties of preparing for the Synod. This historical ecclesial event needs men and women from the parish communities who can truly represent the sentiments of our Catholic faithful.

Let us pray that the renewed Church we want to become may be blessed by God every step along the way.

Sincerely yours,


Archbishop of Lingayen Dagupan


Circular 2017-1: Priests in the 2017 Year of the Parish

January 1, 2017

Circular 2017-1

RE: Priests in the 2017 Year of the Parish

Dearly beloved brothers in the priesthood:

The Church in the Philippines celebrates 2017 as Year of the Parish.

What is the best way to describe the parish? The only word and the best word to define a parish is COMMUNIO. A parish is a communion of little communities. What an affirmation from the Good Shepherd that we in the Archdiocese of Lingayen Dagupan will celebrate our Second Archdiocesan Synod on Communio from September 2 to 9 this year.

Communio is the summary of the identity of the Church. This identity of communio comes from God who is communio–Father Son and Holy Spirit.

Communio is the summary of the task of the Church. The Church exists to make all one. Any pastoral activity of the Church that does to start, build and sustain communio is not worth pursuing at all.

Communio is the sole power that animates the Church to carry on. If there is no passion for communio, the rivers of commitment will run dry and the Church’s lighthouse of hope will turn dim.

Communio is everything for us. Without it, we have no identity; we have nothing to do; we have no spiritual strength.


Where does communio come from? It comes from the humility of God who reaches out to mortal sinners like us and offers us a hand of unity. It is a hand that shakes our hands as equals. He has become like us.

“Though he was in the form of God, he did not regard equality with God something to be grasped. Rather, he emptied himself, taking the form of a slave, coming in human likeness; and found human in appearance, he humbled himself, becoming obedient to death, even death on a cross”. (Phil.2:7).

Communio mandates us Churchmen to be a humbler Church. A humbler Church listens without any urge to rebut. A humbler Church accompanies the weak without being judgmental and accompanies the strong without competition. A humbler Church sees the best in others and downplays defects and weaknesses. A humbler Church is forgiving yet not reluctant to denounce wrongdoing. A humbler Church seeks unity in doctrine, allows liberty in opinions but always opts for charity in everything.

If communio is to be our sole power for evangelization, let it be said that the power that makes the Church credible is humility in service, humility in teaching and humility in worship. Arrogance is a big turn off. Church arrogance has turned many of our flock against us. Humility is the cure. Humility is the way.


How shall we live the challenge and task of building communion?

1.    Only God can build communio and the first way to God is PRAYER. Pray if you want to be in communio. Our best contribution to the world is our prayer. All else follows from this life of prayer. Offer the parish church for adoration of the Blessed Sacrament. Teach our hungry youth that time spent with God is not wasted. Be seen praying not for public show but as a God’s witness. It is mystics not the activists who will renew the parish.

2.    We have a long history of Catholic ORTHODOXY. Stay in line; stay in the communio of faith. Our people want to hear the logic of the Gospel. Our people need to hear Christ again and again. Entertainment is not our business. Partisan politics is not our arena. Our expertise must be the faith of the apostles.

3.    When communio is hurt, communio needs healing. There will be massive parish renewal when CONFESSIONS are constantly celebrated. We cannot promote communio without the tender mercy of Confession.

4.    There is no communio without Jesus. Show by your life, preach from the pulpit; speak in public that JESUS IS ALIVE! People need to hear that Jesus lives and He lives with us. Our people need hope and how much hope we will ignite by those simple proclamation of faith: Jesus is alive and lives forever.

5.    There is no communio without unity of word and life. The Gospel becomes a victim when the proclaimer lives contrary to his ordination vows. I renew my request for a simpler priestly LIFESTYLE that is close to the lifestyle of our ordinary parishioners not the rich and affluent.

6.    Communio is best nurtured in a stewardship Church.

May all be one! Pray for me. Pray for one another.

Sincerely yours,


Archbishop of Lingayen Dagupan



Message delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Rally for Life on December 12, 2016 in San Carlos City, Pangasinan.

Narito tayo upang manalangin. Ipinagdarasal natin ang Pilipinas. Tungkulin ng mabuting Katoliko na makibahagi sa pagpapaunlad ng bayan. Tungkulin ng mabubuting Katoliko na makiisa sa pagsugpo sa kriminalidad. Ang mabubuting Katoliko ay makabayan.

Ang mabubuting Katoliko ay laban sa droga. Ang mabubuting Katoliko ay laban sa panggagahasa sa kababaihan at musmos. Ang mabubuting Katoliko ay laban sa patayan. Ang mabuting Katoliko ay laban sa kidnapping at carnapping. Ang mabuting Katoliko ay laban sa pagnanakaw at pandarambong. Ang mabuting Katoliko ay laban sa smuggling at corruption.

Laban ang pamahalaan sa malalang krimen. Kasangga ng pamahalaan ang lahat ng mabubuting Katoliko. Kasalanan sa Diyos ang makibahagi sa drug abuse at drug push. Kasalanan sa Diyos ang rape at murder. Kasalanan ang maki bahagi sa estafa at plunder.

Kasama ng pamahalaan ang mabubuting Katoliko sa pagsisikap na huwag ng maka ulit sa masasamang gawain ang mga kriminal. Hindi dapat maulit ang masamang gawain. Kaisa tayo sa magandang layunin. Sugpuin ang kriminalidad.

Dapat bigyan ng katarungan ang mga naapi at nasaktan dahil sa krimen. Ito ang ibig sabihin ng makatarungang lipunan. Hindi dapat makalusot ang kriminal. Hindi dapat hayaang magkunwaring maysakit ang mga mayayamang kriminal at sa ospital na lamang ikulong daw! Kapag mayaman, rehab. Kapag mahirap, barilin. Kapag mayaman, Saint Lukes Hospital. Kapag mahirap, sa siksikang kulungan.

Ang gusto ng ilang Pilipino ay ibalik ang bitay para huwag nang umulit at huwag pamarisan. Ibigti, isilya elektrika o iniksiyunan ng lason ang mga kriminal.

Sino ang mag uutos? Ang hukuman. Sino ang hukuman? Tao. May tao bang hindi nagkakamali? Pwede bang magkamali ang hukuman? Katulad ng lahat ng tao, pwedeng magkamali. Paano kung matapos mabitay ay nakitang iba pala ang may kasalanan? Sorry na lang? Gayun ba? Ay mali? Maibabalik ba ang buhay ng nagpakamalang mabitay? Maibabalik ba ang buhay ng binaril na mistaken identity?

Magkaisa tayo laban sa droga at terorismo. Magkaisa tayo laban sa plunder at corruption. Magkaisa tayo laban sa child rapist at mamamatay tao! Paano?


Ang criminal justice system ay may tatlong paa—law enforcement, courts at correction. Alagad ng batas, hukuman at kulungan. Kapag malinis at marangal ang criminal justice system, gaganda ang Pilipinas, aayos ang Pilipinas, uunlad ang bayan.

Kung may death penalty nga, subalit ang pulis pwedeng suhulan, yong mayayamang pwedeng magbayad, lusot agad.

Kung may death penalty nga, subalit ang fiscal ay pwedeng bayaran, yong walang pambayad lamang ang makakasuhan.

Kung may death penalty nga, subalit ang abugadong mahusay, mataas ang bayad, mahihirap lamang ang guilty sa hukuman.

Kung may death penalty nga, subalit ang judge pwedeng regaluhan, absulwelto agad ang highest bidder.

Kung may death penalty nga at nakulong, subalit sa loob ng bilibid ay pwedeng magtayo ng sariling suite at mag videoke at magsugal at mag drugs, anong kwenta ng bilibid na mas maganda pa kaysa sa 5star hotel?

Kung may death penalty nga subalit ang criminal justice system ay corrupt, mabagal at may kinikiligan at nakasilip kahit nakapiring ang mata, lalakas pa rin ang loob ng rapist at plunderer, ng pusher at killer. Tuloy ang ligaya,

Kung mahuli ka, makiusap ka. Kung ayaw sa pakiusap, bayaran mo. Kung ayaw pabayad, barilin mo. Kapag nabaril na, lagyan mo ng baril sa kamay ng bangkay at ireport—nanlaban.

Matatakot ang kriminal hindi dahil sa bitay. Matatakot sila kahit habambuhay na pagkakulong lang ang parusa kapag alam nila—walang pulis, walang judge, walang warden na pwedeng pakiusapan at bayaran. Mayroong ganoon. Dapat lahat ganoon.

Kapag ang criminal justice system ay mabagal, malabo at mahina, ang bitay ay para lamang sa kulang ang bayad sa pulis at sa judge at sa warden.

Walang ipanganak na kriminal. Walang isinilang na drug pusher agad at rapist agad. Walang ipinanganak na corrupt agad.

Kapag ang pamilya ay paaralan ng kabutihan, hindi lalaking kriminal ang bata. Kapag ang magulang ay may Diyos, ang mga anak ay magiging makadiyos din at hindi lilihis sa maling daan.

Kapag may magagandang trabaho at iginagalang ang karapatan ng manggagawa, gaganda ang Pilipinas.

Linisin ang kapulisan! Ayusin ang lahat ng hukuman! Higpitan ang bilibid at kulungan. Gawaing tamad ang patayin na lang ang suspect. Gawaing tamad ang bitayin na lang ang nagkamali sa halip na tulungang makapag bago.

Turuan ang mga anak at kabataan ng mabuting asal. Schools need education not condoms.

Trabahong marangal, hindi bitay ang kailangan!

We are against crime! We are against drugs and rape and plunder! We are against smuggling and kidnapping and terrorism! We are against social disorder. Hindi tayo kunsintidor sa mali. Hindi natin ipinagwawalang bahala ang kirot ng mga biktima ng krimen.

We are not protesting without a solution. We are protesting with an alternative.  Reform the criminal justice system.

The solution is not killing criminals! Our alternative is FULLNESS of LIFE for the guilty and the innocent. Fullness of life for the poor and the rich. Fullness of life for sinners and saints. Christ died for the criminals and the victims. The love of God is for all. Our love should be like God’s love. For ALL.


Pahatid ng Arsobispo Socrates B. Villegas sa bayan ng Diyos sa Lingayen Dagupan tungkol sa rally sa Nobyembre 30, 2016

Pahatid ng Arsobispo Socrates B Villegas sa bayan ng Diyos sa Lingayen Dagupan tungkol sa rally sa Nobyembre 30, 2016

Maraming mga sinimulang pagkilos ng ating mga kababayan ang nagaganap sa iba’t ibang panig ng bansa. Nagiging sariwa na naman ang alaala ng sugat ng martial law na akala natin ay nakalimutan na. Ang mga kabataang akala ng marami ay walang pakialam, ngayon ay nagkakaisa sa paghahayag ng makabayang damdamin. Maraming nawala, namatay, nasugatan at napinsala dahil sa martial law. Ang karangalan ng kanilang pagpapakasakit ay dapat na alalahanin.

Ang pagmamahal sa bayan ay isang mukha ng pananampalataya sa Diyos. Sa anumang rally o symposium o protestang gagawin, palaging tandaan na ang paninindigan ay dapat na mula sa pagmamalasakit at hindi higanti. Ang ating pag-usapan ay mga isyu at prinsipyo at iwasan ang pagmumura at paghamak sa kapwa taong iba ang pananaw sa atin. Ang hinahanap ay katotohanan—katotohanang may pagmamahal. Huwag tayong magsiraan.

Nananawagan ako sa mga magulang na ikuwento sa mga kabataan ang buong kasaysayan ng diktadurya at huwag pabanguhin ang pangit o pagandahin ang kamalian. Ang paglimot sa mga namatay sa martial law ay paglibak sa kanilang kabayanihan.

Higit sa lahat, manalangin tayo upang malutas natin ang patung patong suliranin ng bayan sa lalong madaling panahon sa pamamaraang mapayapa, mababang loob at may paghihilom.

Kung sa inyong paninindigan, ang makisali sa mga rally ay kinakailangan at sa tingin ninyo ay bahagi ng ating tungkuling Kristiyano, kayo ay malugod kong hinihimok na dumalo dala ang aking basbas.

Patunugin natin ang mga kampana ng simbahan sa Archdiocese of Lingayen Dagupan sa ika tatlumpu ng Nobyembre hanggang ikalawa ng Disyembre tuwing ikaanim ng gabi sa loob ng limang minuto. Dasalin ang Angelus at ipagdasal ang bayan natin.

Ang alaala ay biyaya ng Diyos. Ang alaala ay guro sa kasalukuyan. Ang alaala ay haligi ng kinabukasan.

Huwag lumimot. Manindigan. Makisangkot. Huwag pabayaang mawalang muli ang kalayaan!


Pahatid ng Arsobispo Socrates B. Villegas sa Prayer Rally sa Dagupan City

Pahatid ng Arsobispo Socrates B. Villegas sa Prayer Rally sa Dagupan City noong Nobyembre 23, 2016

Nang si Santa Monica ay nasa bingit na ng kamatayan, nagbilin siya ng ganito kay San Agustin na kanyang anak:  Ilibing mo ang aking bangkay kung saan mo naisin. Huwag mong alalahanin ang pag paparangal sa aking bangkay. Iisa lang ang hiling ko sa iyo. Huwag mo akong kalilimutan sa altar sa bawat sandali ng Misa.

Ang paglilibing sa yumao ay gawaing banal para sa mga Kristiyano.  Hindi mahalaga kung saan. Bagamat ang paglilibing sa bangkay ng yumao ay tungkulin ng mga naiwanan dito sa lupa, ang higit na mahalaga ay ipanalangin ang kaluluwa ng mga yumao. Hanapin natin ang gantimpala sa langit hindi ang parangal sa libingan.

Si Jesukristo ay inilibing sa libingang ipinahiram lamang sa kanya subalit siya ang pinakadakila sapagkat inialay niya ang buong buhay para sa mundo.

Ang pinakamahalagang parangal sa yumao ay hindi isang magandang puntod. Mas mahalaga ang panalangin kaysa sa marangyang libingan.

Ang parangal sa yumao ay iginagawad nang kusa, hindi pinagpipilitang ibigay. Ang parangal sa yumao ay hinihintay na ipagkaloob hindi ipinaglalaban na makuha kahit ano ang mangyari. Ang tunay na marangal ay hindi natatakot sa liwanag ng katotohanan hindi nagtatago palihim. Ang parangal sa patay ay biyaya ng bayan hindi bunga ng labanan ng abugado. Ang parangal na pinilit ay mapakla. Ang parangal na ipinagpilitang makuha ay nakakasuka.

Nananawagan ako sa pamilya ng yumaong Ferdinand Marcos. Huwag sanang gamitin ng mga buhay ang bangkay ng yumao para sa kani kanilang pangarap at ambisyon. Sa katayuan ng yumaong Ferdinand Marcos hindi na niya kailangan ang parangal sa libingan. Ang kailangan niya ay dasal. Hindi madaragdagan ang kanyang kapayapaan sa kabilang buhay sa pamamagitan ng puntod sa Libingan ng mga Bayani.

Para sa mga pamilyang naiwanan, ang dapat gawin ay ihingi ng tawad ang kasalanan ng yumao. Lahat naman ng yumao ay nangangailangan ng kapatawaran. Ibalik ang ninakaw na mana. Iwasto ang pagkakamali. Ang awa ng Diyos ay naghihintay sa lahat ng taong mababang loob at nagsisisi.

Ang bayang nag rarally ay handa namang magpatawad bakit hindi?  Subalit ang pagpapatawad ay hindi maaaring pagpapaubaya sa masama; hindi pagyakap sa pananakit at pandarambong. Ang pagbabayad pinsala sa masama; ang kabayaran sa pinsala; ang paghingi ng tawad sa kasalanan—ang mga ito ay kailangan upang mapatawad, wika ni San Juan Pablo II.

Ang paglimot sa kahapon ay isang malaking kakulangan ng ating panahon. Kailangan nating alamin ang kahapon upang maitaguyod ang makabuluhang kinabukasan, sabi naman ni Pope Francis.

Bayan ang humihirang sa bayani hindi ang libingan. Ang tunay na bayani ay bayani kahit saan ilibing. Ang huwad ay huwad kahit igawa ng monumento

Mga kabataan, alamin ninyo ang kasaysayan. Huwag mag palinlang sa mga may masamang pangnanasa na pagandahin ang pangit at madilim na nakalipas. Magbantay laban sa sinungaling! Manalangin at manindigan.

Lord heal our land!

wordpress statistics